Pacman, lumabag sa Minimum Health Standard for COVID-19 sa isang pagbisita sa Lipa City

0
466

Mga pulis ng PRO CALABARZON, mahigpit na nagpapasunod ng mga batas at ordinansa ng IATF

Calamba, Laguna.  Tinuran ng Police Regional Office CALABARZON (PRO4A) ang mga insidente ng paglabag sa Minimum Health Standard for COVID-19 na naganap sa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy para sa halalan sa Mayo 9, 2022 na nagsimula noong Oktubre 1 to 8 at substitution of candidates noong Nobyembre 15, 2021.

Ayon sa report mula sa limang provincial offices ng PNP sa CALABARZON, nakita sa kumakalat ng video sa mga social media ang isang isang pagbisita kamakailan ni Senator Manny Pacquiao sa Lipa City at ito ay napatunayang lumabag sa  Minimum Health Standard for COVID-19.

Inireport din ang isang mass gathering na hinihinalang naganap noong Oktubre 24, 2021 sa isang residential resort ni Mayor Noel Luistro sa Mabini, Batangas. 

Nagsagawa ng pagsisiyasat ang the Regional Investigation and Detection Management Division hinggil sa dalawang nabanggit na mass gathering at napag alamang lumabag ang mga ito sa mga pinaiiral na health and safety protocols. Ang mga kaso ay ipinasa na sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government sa Region 4, ayon pa rin sa report.

 “Nakahanda tayo sa anumang mga pangyayari na maaaring magdulot ng hindi inaasahang insidente sa panahon ng eleksyon gayundin ang pag siguro na patuloy pa rin ang pagsunod sa Minimum Health Standard sa gitna ng COVID-19 pandemic,” ayon kay PBGEN Eliseo DC Cruz.

Ang mga miyembro ng PRO CALABARZON ay nakahanda sa pagkilos upang matiyak na naipasusunod ang minimum health standard sang ayon sa mga batas at ordinansa ng IATF. dagdag pa ni Cruz.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.