Pag-aangkat ng baka at kalabaw mula sa Japan, ipinagbawal ng dahil sa lumpy skin disease

0
42

MAYNILA. Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng buhay na baka, kalabaw, at kanilang mga produkto mula Japan kasunod ng outbreak ng lumpy skin disease (LSD).

Ang hakbang na ito ay layong maprotektahan ang industriya ng lokal na hayupan laban sa banta ng LSD, isang viral disease na nakaaapekto sa mga kalabaw at baka, na nagdudulot ng malulubhang komplikasyon o pagkamatay.

Ayon sa World Organization for Animal Health (WOAH), ang LSD ay sakit na may mga sintomas tulad ng lagnat, pagkakaroon ng “nodules” sa balat, mucous membranes at internal organs, emaciation, paglaki ng lymph nodes, oedema sa balat, at minsan ay pagkamatay.

“The disease is of economic importance as it can cause a temporary reduction in milk production, temporary or permanent sterility in bulls, damage to hides and, occasionally, death,” ayon sa WOAH.

Saklaw ng import ban ang live animals, mga produkto, at by-products tulad ng unpasteurized milk at milk products, embryos, skin, at semen ng baka at kalabaw na ginagamit sa artificial insemination.

Subalit, hindi kabilang sa ban ang mga produktong sumusunod sa Philippine import at health standards, kabilang ang skeletal muscle meat, casings, gelatin at collagen, tallow, hooves at horns, blood meal at flour, bovine at water buffalo bones at hides, at pasteurized milk.

Iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang LSD outbreak sa World Organization for Animal Health noong Nobyembre 15, 2024, dahilan upang agad na magpatupad ang Pilipinas ng precautionary measures upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit sa bansa.

Patuloy na mino-monitor ng DA ang sitwasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng lokal na animal industry.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.