Pag-amyenda sa batas sa tarrification ng bigas, akselerado sa Kongreso

0
131

Umusad agad ang substitute bill para sa panukalang pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 11203 o mas kilala bilang Rice Tarrification Law (RTL) matapos itong maipasa sa House Committee on Agriculture at Committee on Ways and Means ng House of Representatives.

Layon ng pag-amyenda na ito na ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na makapagbenta ng murang bigas sa merkado, alinsunod sa pagtulak ng House Speaker na si Martin Romualdez, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

“As promised by the Speaker, this is a priority, that we will pass an amended RTL. Wherein we will ensure that there will be the presence of NFA to stabilize the price of rice. So that this will be affordable to our countrymen,” pahayag ni House Committee on Agriculture Chairman Quezon Rep Mark Enverga.

Sinabi naman ni House Committee on Ways and Means Chairman Albay Rep Joey Salceda na inaasahan ang madaliang pagpasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng substitute bill para sa RTL bago mag-adjourn sine die ang Kongreso sa Mayo 22.

Nauna dito, ipinanukala ni Salceda na ang pagtaas ng inflation rate ay sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas. Ayon sa datos, ang inflation noong Abril ay umabot sa 3.8%, na mas mataas kumpara sa 3.7% noong Marso.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo