Pag-apruba sa ASF vax sa Pilipinas, inaasahang bago matapos ang 2024

0
289

Inaasahan ng Department of Agriculture na maaprubahan sa Pilipinas ang bakuna laban sa African Swine Fever bago matapos ang 2024, ayon sa opisyal nitong Martes sa patuloy na pagtugon ng ahensya sa hog infection na nakakaapekto sa suplay ng karne sa bansa.

Nakatakdang mag-apply ang mga tagagawa ng ASF vaccine mula sa United States at Vietnam para sa certifications para sa commercial use ngayong taon, ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa.

“Hopefully within itong katapusan ng taon at within early 2025 ay mayroon na tayong effective na vaccine against ASF,” pahayag ng opisyal.

“Hanggat wala tayong bakuna sa ASF ay mananatili itong problema. Pinapanalangin natin na within the year ay makapasa na yung 2 na nag-aapply para sa ASF vaccine para masimulan na natin yung nationwide vaccination program,” dagdag niya.

Hindi binanggit ni De Mesa kung ilang baboy na ang namamatay sa buong bansa dahil sa virus, subalit binigyang-diin na nakalikha ito ng “problems within the swine industry.”

“Because of ASF, nagkakaroon pa din ng kaunting problema sa movement ng baboy sa bansa pero ito ay naresolba na,” giit ng opisyal.

“Inaasahan natin na magkakaroon na rin ng pagluwag sa presyo ng mga baboy,” dagdag niya.

Halos 100 porsyento ang hog mortality rate dahil sa ASF, ayon kay De Mesa.

Nakaapekto ito sa suplay ng karne ng baboy sa Pilipinas dahil kinakatay na ang mga hayop na nasasapul ng sakit kahit na makarekober ang mga ito, batay sa opisyal.

“Rule natin sa food safety ay hindi natin pinapakain yung mga baboy na naapektuhan ng ASF,” aniya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo