PAGASA: Asahan ang mas matinding El Niño sa mga darating na buwan

0
174

Nagbabala ang PAGASA sa mas titindi pang epekto ng kasalukuyang El Niño sa bansa mula ngayong buwan hanggang sa mga susunod na buwan ng taon.

Ayon sa pahayag ni DOST Secretary Renato Solidum Jr., hinggil sa kasalukuyang kalagayan, inaasahan ang katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot mula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.

Nauna diro, inanunsyo ni Solidum na 65 na lalawigan ang posibleng maapektuhan ng matinding tagtuyot dahil sa dry spell sa unang quarter ng 2024.

Iniulat ni Solidum na ang nagdaang El Niño noong 1997 hanggang 1998 ay katulad ng sitwasyon ngayong taon, kung saan marami ang maaapektuhan, at inaasahang milyon-milyong pisong halaga ang malulugi sa sektor ng agrikultura.

Sa ngayon, ang Department of Agriculture (DA) ay nagsasagawa ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa. Kinikilala ang mga aspetong nangangailangan ng agarang aksyon upang maiwasan ang mas malubhang pinsala.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo