PAGASA: Bagyong Pepito lumalakas; mas maraming lugar nilagay sa signal warning

0
54

MAYNILA. Pinaigting ang babala ng bagyo sa mas maraming lugar dahil sa mabilis na paglakas ng Typhoon Pepito, ayon sa 5 p.m. cyclone bulletin ng PAGASA nitong Miyerkules.

Huling namataan ang Bagyong Pepito sa layong 465 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometro kada oras (km/h) at bugso ng hangin na 185 km/h.

Mga Lugar na Saklaw ng Signal No. 2
Ayon sa PAGASA, maaaring makaranas ng hangin na may lakas mula 62 km/h hanggang 88 km/h sa loob ng 24 oras ang mga sumusunod na lugar:

  • Silangang bahagi ng Northern Samar: Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig, Silvino Lobos, Laoang, Catubig, Las Navas, Pambujan, Mondragon, San Roque, Catarman, Lope de Vega.
  • Hilagang bahagi ng Eastern Samar: Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog, Can-Avid.
  • Hilagang-silangang bahagi ng Samar: San Jose de Buan, Matuguinao.

Mga Lugar na Saklaw ng Signal No. 1
Maaaring makaranas ng hangin na may lakas mula 39 km/h hanggang 61 km/h o paminsan-minsang pag-ulan sa loob ng susunod na 36 oras ang mga sumusunod na lugar:

  • Aurora
  • Quezon
  • Silangang bahagi ng Laguna: Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Pagsanjan, Santa Cruz, Magdalena, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, San Pablo City, Rizal.
  • Marinduque
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Nalalabing bahagi ng Northern Samar
  • Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
  • Nalalabing bahagi ng Samar
  • Biliran

Posibleng Landfall
Sa susunod na limang araw, inaasahan na kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran ang Bagyong Pepito at maaaring mag-landfall malapit sa Catanduanes sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga ulat-panahon at sundin ang mga abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.