PAGASA: Dalawang bagyo posibleng pumasok ngayong Hunyo

0
960

MAYNILA. Inaasahang papasok bansa ngayong Hunyo ang isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Kung sakaling pumasok ang dalawang bagyo, papangalanan ang mga ito na “Butchoy” at “Carina.”

Sa kasalukuyan, wala pang namamataang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo. Gayunpaman, mayroong isang bagyo sa labas ng PAR na tinatawag na Tropical Storm Maliksi. Ayon sa PAGASA, wala namang direktang epekto ang bagyong ito sa bansa.

Bagaman walang namamataang bagyo sa PAR, patuloy na magiging maulap ang kalangitan sa buong bansa. Inaasahan din ang mga pag-ulan dala ng easterlies o hanging galing sa Pacific Ocean.

Patuloy na magbibigay ng update ang PAGASA upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko tungkol sa posibleng pagpasok ng mga bagyo ngayong buwan ng Hunyo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo