PAGASA: Dalawang bagyo posibleng pumasok ngayong Mayo

0
293

Sa abiso ng PAGASA, dalawang bagyo ang posibleng mabuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Rhea Torres ng PAGASA, inaasahan na ang unang bagyo ay magdudulot ng epekto sa Philippine landmass bago ito lumayo sa ating bansa.

Samantala, ang ikalawang bagyo ay inaasahang tatawid ng Eastern Visayas, Bicol region, MIMAROPA, at CALABARZON bago ito lumabas sa West Philippine Sea at mag-ikot palayo sa ating bansa.

Nilinaw ni Torres na sa ngayon, walang bagyo na direktang may epekto sa ating bansa hanggang sa susunod na linggo. Subalit, mariing pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at maghanda sa posibleng pagdating ng mga ito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo