PAGASA: La Niña papasok na sa Hulyo

0
392

Inaasahan na papasok sa bansa ang panahon ng La Niña phenomenon sa ikatlong quarter ng taong ito o simula sa darating na Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Weather Specialist Joey Figuracion na bagaman at may epekto pa rin ang El Niño sa ngayon, dahil may mga panahon pa rin na maalinsangan, kailangan nang paghandaan ang pagpasok ng La Niña. “Ang La Niña phenomenon ay nagdudulot ng mas maraming ulan kaysa sa normal na rainy season, at ang mga bagyong papasok ay may posibilidad na mag-landfall,” paliwanag ni Figuracion.

Dagdag pa niya, hindi pa pormal na maidedeklara ng PAGASA na tag-ulan na sa panahon ng pagpasok ng bagyong Aghon dahil ang pagdedeklara ng tag-ulan ay nakabase lamang sa west side ng bansa. Samantalang ang eastern side ng bansa ay nakakaranas na ng pag-ulan.

Sa ngayon, ayon kay Figuracion, wala pang namamataang bagong bagyo na papasok sa bansa, ngunit patuloy na magbabantay ang PAGASA at magbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.

Mahalaga ang paghahanda para sa La Niña dahil maaaring magdulot ito ng pagbaha at landslide sa mga apektadong lugar. Pinapayuhan ang lahat na maging handa at laging tumutok sa mga abiso ng PAGASA para sa kaligtasan ng bawat isa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo