MAYNILA — May medium chance na mabuo o maging bagyo ang isang low pressure area (LPA) na kasalukuyang nasa silangang bahagi ng Mindanao, ayon sa PAGASA.
Ayon kay Benison Estareja ng PAGASA, inaasahang lalapit ang LPA sa kalupaan sa unang bahagi ng susunod na linggo at papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules at Huwebes. Maaaring makaapekto ito sa silangang bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga Region.
Ani Estareja, may posibilidad na umabot ang LPA sa kategoryang tropical depression kapag pumasok sa PAR, ngunit maaari pang magbago ang galaw ng bagyo sa mga susunod na araw.
Samantala, iniulat ng PAGASA na ang Shear line ang sanhi ng pag-ulan sa Apayao, Kalinga, Cagayan, at Isabela sa loob ng susunod na 24 oras, habang ang Easterlies naman ang nagdudulot ng pag-ulan sa Metro Manila at Calabarzon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





