PAGASA: Mahabang El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024

0
342

Itinaas na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa matapos masilip ng ahensiya na magiging mainit ang klima na mararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator sa isang press conference sa Quezon City,  na 55 percent ang posibilidad na makaranas ang bansa ng El Niño phenomenon na magsisimulang ma-develop sa buwan ng Hulyo, Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

Batay sa tantya ng PAGASA, maaaring magtagal ng hanggang unang quarter ng 2024 ang panahon ng tagtuyot na walang masyadong pag ulan sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Malano na ngayon pa lamang ay dapat magplano na ang mga concerned go­vernment agencies ng mga programa at maghanap ng paraan ang pubiko kung paano makakapagtipid sa paggamit ng tubig.

Matatandaan na nagdeklara ng summer season ang PAGASA noong nakaraang Martes.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.