PAGASA nagbabala: Dalawang bagyo, posibleng tumama sa Pilipinas ngayong Disyembre

0
85

MAYNILA. Inaasahan ang pagpasok ng isa hanggang dalawang tropical cyclone sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Disyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa isang pahayag noong 4:00 p.m., sinabi ni Ana Clauren-Jorda, isang weather specialist ng PAGASA, na kailangang maghanda ang publiko para sa posibilidad ng mga bagyo, lalo na’t ito’y maaaring tumama sa Luzon, Visayas, o Mindanao.

“Ang isa hanggang dalawang bagyo ay posibleng pumasok sa ating area of responsibility, kung saan malaki ang tsansa na mag-landfall o magkaroon ng epekto sa lupa kung ating babantayan ang isang tropical cyclone o bagyo na maaaring makaapekto sa ating bansa,” ani Jorda.

Simula Oktubre, anim na tropical cyclone na ang naitala sa bansa, kabilang ang Kristine (international name: Trami), Leon (Kong-rey), Marce (Yinxing), Nika (Toraji), Ofel (Usagi), at Pepito.

Bagama’t walang tiyak na landas ang mga bagyo, ipinaalala ng PAGASA na mag-ingat, lalo na sa panahong ito ng kapaskuhan. Ayon sa ahensya, maaaring magdulot ang mga tropical cyclone ng matinding ulan, pagbaha, at landslide, kaya’t mahalagang manatiling alerto at updated sa mga ulat ng panahon.

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang anumang paggalaw ng panahon at magbibigay ng karagdagang abiso sa publiko kaugnay ng paparating na mga bagyo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo