PAGASA: Tag-init magsisimula na

0
604

Magsisimula na ang dry season o ang panahon ng tag-init sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni weather specialist Benison Estareja na ang simula ng tag-init sa bansa ay posibleng sa susunod na linggo o bago matapos ang buwan ng Marso.

“Nalalapit na po ang pagtatapos ng amihan season at maaaring sa susunod na linggo hanggang sa mga huling araw ng Marso ay magsimula na ang tinatawag natin na warm, dry season o tag-init sa Pilipinas,”ayon kay Estareja.

Patuloy ang paghina ng malamig na amihan o northeast monsoon na nakakaapekto na lamang sa hilaga at gitnang Luzon, habang unti-unti namang lumalapit sa bansa ang easterlies o mainit at maalinsangan hangin ­galing sa Pacific Ocean.Kasabay nito, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Visayas ay nalusaw na, dagdag niya.

Ayon pa rin ay Estareja wala pa silang namo-mo­nitor na bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa Lunes.

Sa tantya ng PAGASA, posibleng may isang bagyo na pumasok sa PAR ngayon buwan at sa Abril at sa Mayo naman ay baka may isa o da­lawa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.