MAYNILA – Tatlong umiiral na weather systems ang magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat kalat na pag ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Sa 4 a.m. public weather forecast ng ahensya, sinabi nitong apektado ng Intertropical Convergence Zone ang Palawan at Mindanao, habang nakakaapekto ang Northeast Monsoon sa Northern Luzon. Ang easterlies naman ang nakakaapekto sa Calabarzon at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Wala namang namomonitor na low pressure area para sa posibleng tropical cyclone formation sa ngayon.
Maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan at thunderstorms ang inaasahan sa Mindanao at Palawan dahil sa ITCZ.
Ang shearline ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan at isolated thunderstorms sa Cagayan at Isabela.
Samantala, ang Eastern Visayas, Bicol Region, Aurora, at Quezon ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan at thunderstorms dulot ng easterlies.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng partly cloudy to cloudy skies na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa easterlies.
Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley, mararanasan ang partly cloudy to cloudy skies na may isolated light rains dahil sa Northeast Monsoon.
Katamtaman hanggang malakas na hangin at moderate to rough coastal waters ang aasahan sa hilagang at kanlurang bahagi ng Luzon.
Sa silangang bahagi ng Mindanao at sa iba pang bahagi ng bansa, banayad hanggang katamtamang hangin at slight to moderate coastal waters ang iiral.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





