Pagbaba ng mga kaso ng respiratory illness, kinumpirma ng DOH

0
173

Unti-unti nang humuhupa ang bilang ng mga kaso ng respiratory illnesses sa bansa, ayon sa kalihim ng Department of Health (DOH) na si Ted Herbosa.

Batay sa pahayag ni Herbosa, ang maaaring dahilan nito ay ang sunod sunod na bakasyon ng mga tao at ang pagsasara ng mga paaralan at opisina.

“Luckily, kinakausap ko ang aming epidemiology unit, ang sabi humuhupa na raw, parang nag-plateau na ang number of cases. Siguro nagkanya-kanyang bakasyon na dahil wala nang pasok sa trabaho at eskwela, hindi na masyadong kumalat ang respiratory illness,” ayon kay Herbosa sa isang panayam sa radyo.

Gayunpaman, mahigpit pa rin ang kanyang paalala sa publiko, lalo na sa mga taong nasa mas mataas na risk tulad ng mga matatanda at may comorbidities. Pinapayuhan niya ang mga ito na maging maingat, lalo na sa pagdalo sa mga party at pagtitipon kung saan madalas maganap ang hawahan.

Nananawagan si Herbosa na dapat mag-ingat at magtakip ng mukha kung may ubo o sipon. Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagdalo sa mga pagtitipon, at mas mainam pa rin ang manatili sa bahay kung may nararamdaman.

Bilang pag-iingat, hinikayat niya ang publiko na magpabakuna laban sa flu at magsuot ng face masks upang mapigilan ang pagkalat ng influenza-like illnesses (ILIs).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.