Pagbabagong hugis ng hospitality at tourism industry

0
395

Pinakamalakas ang dagok ng Covid-19 sa sektor ng hospitality, travel at tourism. Ang epekto nito sa lipunan ay dapat din nating tingnan. Ang consumer behavior at consumer spending ay magbabago sa bandang huli at patuloy na magbabago kung kaya ang ating mga bussiness plan ay kailangan nating iangkop sa mga bagong pangyayaring ito.

Ang coronavirus pandemic ay mananatili sa ating mga alaala sa loob ng maraming henerasyon dahil sa mga mapangwasak na epekto nito sa iba’t ibang antas ng global economy.

Ang pagsasara ng mga boundaries, lockdowns at travel restrictions ay pilit na itinulak ang hospitality sector sa pinaka masamang resulta sa bagong kasaysayan. Ang pagkalugi at pagsasara ng mga hotel, motel, resort at spa ay naging karaniwan na lang. Lumikha ito ng kawalan ng katiyakan na ngayon lamang natin dinanas.

Iniisip natin kung ang mga pagbabagong ito ay permanente na o pansamantala lamang. Kung anuman ang magiging bunga, kailangang isaalang-alang natin ang pagkakaroon ng alternatibong senaryo at rebisahin ang ating planning strategies upang tayo ay magkaroon ng kahandaan sa “New Future.”

Ang mga travel restrictions sa panahon ng krisis ay nagturo sa consumers ng mga bagong pananaw sa travel and tourism. Kasama sa mga mauuso ang mga “greener” destination, mga malalapit na trip at rural tourism. Asahan natin na una sa prayoridad ng mga turista at bisita ang kaligtasan ng kanilang pamilya sa posibilidad na mahawa ng Covid-19.

Nakikita ko rin na ang mga turista at guests ay magiging matipid dahil sa pagbagsak ng purchasing power na sanhi ng pataas ng unemployment. Bago sila mamasyal ay pag aaralan muna nilang mabuti kung masusulit ba ang kanilang gagastusin sa pupuntahang lugar.

Kailangan nating tumingin sa bukas at maghanda sa pagharap sa bagong anyo ng turismo. Hindi madali o mabilis ito ngunit ang hospitality at tourism industry ay may kakayahang bumangon at biniyayaan ng matibay na gulugod. Ang kailangan lamang ay pag aaral at pagbuo ng mga bagong plano na aangkop sa mga bagong hugis ng industriyang ito.

Lumaban tayo. Ito lamang ang choice natin.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.