MAYNILA. Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ang aktuwal na pagbabakuna ng mga baboy kontra African Swine Fever (ASF) sa Batangas ay ipagpapaliban, kahit na dumating na ang mga bakuna sa bansa.
Ayon kay DA Spokesman Arnel De Mesa, sa halip na agad na simulan ang pagbabakuna, ang magiging hakbang ngayong Martes, Agosto 20, ay ang orientation at pagkuha ng blood samples mula sa mga baboy. “Magtatagal ng 20 hanggang 48 oras ang pagkuha ng resulta mula sa blood testing upang malaman kung positibo o hindi ang mga baboy sa ASF,” paliwanag ni De Mesa.
Sinabi ni De Mesa na mahalagang matiyak na walang ASF ang mga baboy bago sila mabakunahan upang masuri ang bisa ng bakuna. “I-aanunsyo ng DA kung kailan isasagawa ang aktuwal na pagbabakuna sa mga baboy,” dagdag pa niya.
Nasa bansa na ang 10,000 dosage ng bakuna kontra ASF na magagamit sa mga susunod na hakbang. Patuloy na pinangangasiwaan ng DA ang sitwasyon upang mapanatili ang seguridad ng sektor ng livestock sa rehiyon.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.