PAGCOR: Pwede ng ipa-ban sa tayaan at casino ang mga kamag-anak na ‘adik’ sa e-sabong

0
299

Maaari ng isumbong ng mga pamilyang naapektuhan ng e-sabong ang kanilang mga kamag-anak na itinuturing na “adik” sa pagtaya upang sila ay ma-ban, ayon sa chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong Miyerkules.

Ang pahayag ay ipinalabas ni PAGCOR Chair Atty. Andrea Domingo sa gitna ng mga ulat ng mga e-sabong bettors na naubusan ng pera at mga ari-arian at sa ilang mga kaso ay kasukdulang “ibinenta” ang kanilang anak para makabayad sa utang.

“We encourage lahat ng mga pamilya na maapektuhan dito sa e-sabong na hindi maganda kung pwedeng i-report sa amin at kung pwedeng ipa-ban nila ‘yung tumataya sa kanilang pamilya,” ayon kay Domingo sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Sinabi ni Domingo na ang mga isusumbong ay pagbabawalan ding pumasok sa mga casino.

“Very active kami dyan. Pag bi-nan namin sa e-sabong, sa lahat ng casino banned na rin yan. Hindi na siya pwedeng pumasok,” ayon kay Domingo.

“At kung pwedeng bigyan ng litrato. Kasi yung mga talagang naa-addict sa gaming, kahit na i-ban namin, gumagamit ng ibang pangalan at ng ibang ID (identification card),” dagdag niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.