Paggamit ng medical cannabis, aprub sa house panel

0
291

Inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs at House Committee on Health ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana bilang lunas sa mga malalang karamdaman.

Sa press conference, inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na ang mga panukalang batas patungkol sa medical cannabis o marijuana ay pinagtibay ng kanyang komite at committee on Health.

Nilinaw naman ni Barbers na eksklusibo lamang ito sa paggamit bilang medisina at hindi para sa recreational o pagliwaliw tulad ng mga sakit na insomnia, ­matinding pagkabalisa, kanser at iba pa pero dapat ay may reseta ng mga accredited na mga physicians.

“Ang sobrang preskripsyon ng medical cannabis ay may katapat namang kaparusahang P500,000 na hindi hihigit sa P1 milyon at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.”

Ang nasabing panukala ay sasailalim sa pagsusuri ng mother committee bago ito pagdebatehan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.