Paggunita sa Phil-Am War isinagawa sa Maynila, Batangas

0
154

Nagsagawa ng simpleng programa ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Pamahalaang Lungsod ng Maynila at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang gunitain ang ika-124 anibersaryo ng umpisa ng Philippine-American War kanina, Pebrero 2023, alas otso ng umaga, sa Sociego St. cor. Silencio St., Sampaloc, Manila.

Ang Philippine-American War ay nagsimula nang unang nagpaputok ang 1st Nebraska Infantry Regiment laban sa mga pwersang Pilipino sa Sociego St. cor. Silencio St. sa Sampaloc, Manila.

Magugunita na sa kabila ng pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga pwersang Amerikano noong 1901, ang mga Pilipino sa buong bansa ay nagpatuloy sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at nagbuo ng mga kilusan kahit na wala silang mga armas. Ang digmaan ay tumagal hanggang 15 Hunyo 1913 kasama ang ilang kilusan ng mga Muslim sa Battle of Bud Bagsak sa Sulu.

Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11304 na gumugunita sa Philippine-American war tuwing ika-4 ng Pebrero upang parangalan ang mga sakripisyo at katapangan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa digmaan.

Kaugnay dito, ang NHCP-Museo ni Apolinario Mabini sa Tanauan City, Batangas ay nagbukas ng online exhibit na pinamagatang, “Mga Himpilan at Kabisera ng Pamahalaan mula 1898 hanggang 1901.” Itinampok sa eksibit ang iba’t ibang kabisera at selyo ng gobyerno ng Pilipinas at ang mga salik na naging dahilan ng pagbabago ng mga kabisera mula 1898 hanggang 1901.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.