Pagpapahid ng abo sa noo, pinayagan sa Ash Wednesday ngayong taon

0
552

Pinayagan ng Simbahang Katoliko ang pagmamarka ng mga krus sa noo ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Ash Wednesday, ang simula ng panahon ng Kuwaresma.

Batay sa mga alituntunin na inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy (CBCP-ECL) na may petsang Pebrero 22 ngunit isina publiko lamang kahapon na muling magpapahid ng abo ang mga pari sa noo ng mga nagsisimba bilang tanda ng krus.

“The formula for the imposition of ashes ‘Repent, and believe in the Gospel,’ or ‘Remember that you are dust, and to dust you shall return’ is said only once applying it to all in general. We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” ayon sa bahagi ng statement na nilagdaan ni ni Commission’s chairperson, Bishop Victor Bendico.

Idinagdag nito na ang pagwiwisik ng abo sa ulo, na naging kaugalian sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ay isang opsyon.

“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an ‘opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season…,” ayon sa pahayag.

Sa taong ito, ang Ash Wednesday ay bumagsak sa petsang Marso 2.

Kasabay nito, tiniyak ng Simbahan na ipagpapatuloy nila ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga kaganapan sa simbahan sa pagdiriwang ng Kuwaresma.

“We abide by the stringent policy of the government on social distancing and the use of face masks during church services. We continue to sanitize our churches every after liturgical celebrations and provide alcohol for the sanitation of our faithful,” ayon pa rin sa pahayag.

Kung papayagan ang mga prusisyon, dapat itong makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

“We limit the route of the processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing. Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions,” ayon sa CBCP.

“It is not recommended to use ‘carosas’ or ‘andas’ which need to be carried by people because this will not ensure social distancing of those who carry these platforms. It is safer to put the images on a motor vehicle instead of those carried by people. We take great care not to give an opportunity for our faithful to congregate outside their homes. These suggestions should be omitted where strict lockdown is enforced” batay sa pahayag.

Para naman sa mga popular na debosyon tulad ng “Pabasa”, sinabi ng CBCP na maaaring organisahin ito kung isasaalang-alang ang pagsunod sa mga health protocols.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.