MAYNILA. Isinusulong ng ilang mambabatas na gawing requirement ang pagkuha ng legislative franchise para sa mga social media platform, katulad ng mga mainstream television network. Layunin nitong tiyakin ang regulasyon sa online platforms at masigurong may pananagutan ang mga ito sa nilalaman nilang content.
“I think it would be best if these social media platforms secure a legislative franchise in this Congress,” ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Paliwanag niya, kung ang mga social media platform ay may prangkisa mula sa Kongreso, magiging saklaw ito ng regulasyon batay sa umiiral na batas.
Samantala, inihayag naman ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang kanyang suporta sa panukalang ito. Aniya, maaaring amyendahan ang Public Service Act (Republic Act 11659) upang maisama sa listahan ng “public utilities” ang mga social media platform.
“I think we should amend our Public Service Act and include this in the list of public utilities. As far as I’m concerned, all the more that we have to do that,” pahayag ni Paduano.
Idiniin niya na hindi kasalukuyang nasasaklaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media platform dahil sa kawalan ng opisina sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino, Chairman ng Committee on Public Information, na maaaring ilagay sa regulasyon ng Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas (KBP) at Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang social media content.
“I think the KBP and MTRCB should update and upgrade so that they can help the government. I just don’t think we should just sit here idly by and allow these abuses to happen,” ani Aquino.
Sa patuloy na pag-usbong ng digital media, magiging malaking usapin ang regulasyon sa social media platforms lalo na sa usapin ng pananagutan at pagbubuwis. Nakabinbin pa rin sa Kongreso ang posibleng hakbang para dito.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo