Pagpigil sa pagtagas ng langis sa MT Princess, ginagawa na

0
253

Naujan, Oriental Mindoro. Sinimulan na ang “bagging operations” para takpan at pigilan ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang Shin Nichi Maru, isang Japanese dynamic positioning vessel (DPV), gagamit ng isang ‘remotely operated vehicle (ROV)’ o isang underwater robot upang takpan ang butas ng tanker na nilalabasan ng langis.

Kamakailan ay dumating na sa Mindoro ang mga ‘specialized bags’ mula sa United Kingdom para gamitin sa ‘bagging’ o pansamantalang pagsasara ng tagas.

Naisakay na ang mga bag sa Shin Nichi Maru katuwang ang mga tauhan ng PCG.

Inaasahang darating naman ngayong araw ang 16 pang customized bags mula sa planta sa Cavite.

Noong nakaraang Martes ay dumating na rin ang barkong Pacific Valkyrie na kinontrata mula sa United States na may dalang ROV. Nagsasagawa na ito ng ‘video at sonar survey’ sa lumubog na motortanker.

Magbibigay ito ng dagdag na datos sa sitwasyon ng barko sa ilalim ng dagat, at magiging batayan sa solusyon na ipapatupad kaugnay ng oil spill management.

Pebrero 28 ng lumubog ang motor tanker sa karagatan sakop ng Naujan, Oriental Mindoro. Naglalaman ito ang ng 900,000 litro ng industrial fuel.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.