Pagpupulungan ng Comelec ang iba pang posibleng parusa para sa mga debate skippers

0
478

Nakatakdang talakayin ng Commission on Elections (Comelec) ngayong linggo ang iba pang posibleng parusa sa mga pambansang kandidato na hindi dadalo sa mga susunod na yugto ng “PiliPinas Debates 2022”.

“We will address this particular problem in the en banc session this Wednesday,” ayon kay Comelec chairman Saidamen Pangarungan sa isang panayam kagabi.

Nang tanungin kung ang poll body ay maaaring magpataw ng mas mabibigat na parusa, sinabi ni Pangarungan na walang batas na nag-uutos sa mga aspirante na dumalo sa naturang kaganapan.

“This debate is purely voluntary. We cannot force candidates, who will refuse to participate,” ayon sa kanya.

Samantala, sinabi ni Commissioner George Garcia na ang posibleng karagdagang parusa ay higit pa sa kasalukuyang parusa na nagpapawalang-bisa sa karapatan ng mga debate skippers na magpalabas ng mga e-rallies sa plataporma ng Comelec.

“We will discuss in the en banc what more can we do, what further sanctions can we give. In the meantime, we will have to deal with our current sanction,” dagdag niya.

Sinabi ni Garcia na maaari lamang ipatupad ng Comelec ang mga umiiral na batas laban sa mga tumatangging lumahok sa mga organisadong debate nito.

“The Comelec can only implement the laws that are existing. There should be a law. The punishment must come from the legislature. The Comelec cannot make punishments that aren’t provided by law,” ayon kay Garcia.

Inilabas ng mga opisyal ng Comelec ang mga pahayag matapos himukin ni vice presidential bet Walden Bello ang poll body na gumawa ng aksyon sa hindi paglahok nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate na si Sara Duterte sa unang episode ng presidential at vice presidential mga debate noong Sabado at Linggo.

“You are the Commission on Elections. You can penalize these two jokers, Marcos and Duterte for not showing up. They are spitting in the face of the Filipino people,” ayon kay Bello sa Pilipinas Debate 2022.

Sinabi ni Bello na dapat magpataw ng mas mabigat na parusa ang Comelec laban sa mga hindi dumalo sa event.

Nauna rito, sinabi ng Comelec na ang mga kandidatong hindi dadalo sa PiliPinas Debates 2022 ay hindi na papayagang magpalabas ng kanilang mga e-rallies sa kanilang online platform.

Walden Bello: This debate is becoming a joke
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.