Pagsanjan PNP, hinarana ang netizens at mamamayan

0
466

Pagsanjan, Laguna. Nagsagawa ng community music concert ang municipal police station sa bayang ito sa pangunguna ni  chief of police PMaj.Silver Cabanillas.

Layunin nitong pagaanin ang lungkot, galit at kabalisahan sa buhay ng mamamayan ng Pagsanjan at bahagi ito ng best practices para sa Malasakit , Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran (MKKK), ayon sa hepe.

Ang kantahan sa saliw ng live band na binubuo ng mga police at volunteer na musikero at ginanap sa liwasang Don Mariano Manuel.

Ayon kay Cabanillas ang sino mang nais kumanta o tumugtog ng gitara ay maaaring maki-jamming sa plaza ng Pagsanjan.

Kabilang din sa sa mga misyon nito ang hikayatin ang mga mamamayan partikular ang kabataan maglibang sa musika upang mailayo sila sa ipinagbabawal na gamot, sobrang paggamit ng gadgets at iba pa bisyo.

Kasama ang mga miyembro ang 1st LPMFC, 2nd LPMFC at 82nd Special Action Company ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) sa mga tumugtog at kumanta sa pinakahuling community concert.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.