Maihahalintulad sa nangyaring mabilis na pagdami at agad ding pag unti ng bilang ng mga kasong Omicron Covid-19 Variant ang sasapitin ng kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos.
Mula sa mahabang ‘evolution’ ay naging omicron variant na mabilis makahawa subalit hindi gaanong tumatagal sa mga nadapuan at nabiktima.
Hanggang bahagi lang ng leeg pataas ang naapektuhan at halos ligtas ang pababang bahagi o mga internal organs gaya ng baga, bato, atay, bituka at higit sa lahat ay ang puso.
Nagkataon pang natuklasan ang iba’t ibang brand ng vaccines upang maibakuna at maabot ang herd immunity ng general population lao na ang mga 18 years old pataas na pawang mga botante ng Pilipinas.
Sa mga nakalipas na surge ni ‘Omicro ‘BBM’ ay hindi napagtanto ng kanyang mga tagapagtaguyod ang magiging vaccines na sina ‘Pfizer’ Robredo, ‘Moderna’ Paquiao, ‘Janssen” Lacson, ‘Sputnik’ Domagoso at ‘Sinovac”de Guzman. Inakalang magpapatuloy ang malawak na pananalasa at matagal na pagkakasakit upang manatiling naka quarantine ang katawan at kaisipan ng mga botante?
Àyon sa mga clinical records ay sa loob lamang ng anim (6) na linggo ay nakakawala na agad ang isang bansa sa pananakop ni Omicron na siya namang nangyayari sa Pilipinas. Ganito rin ba ang magaganap sa kandidatura at popularidad ni BBM?
Dalawang linggo pa lang ang walang humpay na pag-ikot at pangangampanya ng mga katunggali subalit nararamdaman na agad ang ‘efficacy o bisa ng proteksyon ng mga ito laban sa pagdapo ni Marcos sa mga botanteng may malalakas na immune system sa gagawing paghahalal sa Mayo 9.
Dahil sa mga nabanggit na mga bakuna ay bumagsak na ang mataas na bilang ni Omicron BBM. Wala nang magagawa ang mga updates at reports ng SWS, OCTA Pulse Asia, social media at Kalye Survey upang mabago at mapataas muli ang bilang ng impeksyon!
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.