Pagsisimula ng negosyo kasama ang sweetheart mo — Yay o Nay?

0
905

Kung maganda ang inyong relasyon, madali ninyong maiintindihan ang mga pros at cons ng pagpasok sa negosyo bilang founder at co founder. Kailangan lang ay maghanda dahil ibubuhol ito sa professional na relasyon.

Sa tingin ko, makakatulong na magkaroon ng isang simpleng checklist para  matiyak na handa na kayo sa kung anuman ang mangyayari. Kagaya din ito ng checklist ng hindi mag-sweetheart pero dapat alalahanin na hindi lang puhunan ang nakasalalay kundi pati na rin ang magandang relasyon. Importante na malinaw ito.

Una sa lahat, alamin ang inyong motivation. Bakit gusto ninyong magsimula ng negosyo? Bakit gusto ninyong simulan ito nang magkasama? Kung hindi kayo mag-sweetheart, gagawin pa rin ba ninyo ito? Pareho ba kayo ng pananaw at drive sa tagumpay?

Pangalawa, mahalagang mag agree sa mga rules of the game at mga prinsipyo ng decision making sa trabaho. Gumawa ng rules kung paano gagawin ang mahahalagang desisyon.

Pangatlo, planuhin ang iyong financials. Maging realistic at isipin ang Plan A, B, C at D. Yup. Mag-ipon para sa tag-ulan, gumawa ng emergency fund at pag-usapan kung para saan ang pondong ito.

Pang apat, paano kung magka problema? Magkano ang perang handa mong ipakipagsapalaran? Ano ang iyong tolerance sa pain at anxiety? Kailan ninyo sasabihin sa isa’t isa na ‘let’s call it quits?’ Kailangan ay gumawa ng kasunduan tungkol dito na favorable sa inyong dalawa.

Panghuli, gamitin ang inyong strengths sa delegation ng mga responsibilities sa trabahong kakaharapin ninyo. Paano ninyo hahatiin ang mga tungkulin at responsibilidad? Ano ang inyong mga natatanging lakas bilang mga indibidwal? Sino ang namamahala? Sino ang poster boy o girl? 

Importante sa founding team na malaman ang natatanging kontribusyon ng isa’t isa sa tagumpay ng venture. Kinakailangang pag aralang mabuti at tukuyin ang mga tungkulin, at i-unbundle ang gawain sa kung sino ang magaling dito. 

Konklusyon

Ang pagsisimula ng isang negosyo ay isang seryosong pangako sa sarili, sa mga customer, mga empleyado at iba pang stakeholder. Ang pagsisimula nito kasama ang iyong sweetheart bilang co-founder ay dagdag na seryosong pangako sa relasyon, kaya mas mabuting pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago tumaya.

Good luck at Happy Valentine’s Day sa lahat!

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.