Pagtaas ng presyo ng galunggong at ibang isda, kinuwestiyon ng agri goup

0
390

MAYNILA. Kinuwestiyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nitong Martes ang biglaang pagtaas ng presyo ng galunggong at iba pang isda, sa kabila ng sinasabi ng mga grupo na sapat naman ang suplay.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), umabot sa P180 hanggang P280 kada kilo ang presyo ng galunggong sa Metro Manila mula sa P160 hanggang P260 noong nakaraang linggo.

“Dapat nasa P200 or P180 lang ang presyo dapat ng galunggong. Hindi na dapat tumaas pa doon,” ani SINAG Chairperson Rosendo So sa isang pahayag.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), patuloy nilang iniimbestigahan ang sanhi ng pagtaas ng presyo. Sinabi rin ng ahensya na naapektuhan ang suplay ng isda dahil sa mga kamakailang pag-ulan.

“Wala tayo nakataas na closed fishing season so tuluy-tuloy yung pangingisda ng ating mga mangingisda maliban lamang kung may sama ng panahon,” pahayag ni BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera.

Sinabi rin ng Department of Agriculture (DA) na pinalalakas nila ang industriya ng aquaculture sa bansa. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng saradong panahon ng pangingisda upang mapanatili ang suplay ng isda.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo