Pagtatanim ng punong kahoy, pinakamagandang regalo sa ating pamilya

0
1824

Masarap sa pakiramdam ang magbigay ng regalo sa ating mga mahal sa buhay. Ang best gift na binigay ko sa aking asawa na alam kong forever ay ang aking apelyido. Ang totoo, may kahirapan ang pag iisip ng kung ano nga ba ang magandang pang regalo na alam natin pakikinabangan ng pang matagalan ng ating reregaluhan. 

Bilang isang magsasaka, punong kahoy at pagtatanim pa din ng mga ito ang para sa akin ay pinakamagandang regalo.

Kung may lupa din lamang tayong nabili o minana sa ating mga magulang huwag nating hayaan na ito’y nakatiwangwang.  Taniman natin ito ng mga namumungang punong kahoy. Ito ang isa sa magandang regalo natin sa ating sarili at sa ating pamilya.

Year 2006 nagsimula na akong magtanim ng RX3 Rambutan variety. Sa aking bukid, hanggang ngayon ay  patuloy pa rin ako sa pagtatanim ng mga puno na pwedeng pakinabangan ang bunga  Maraming varieties ang Rambutan pero ang RX3 variety ay isa sa the best. Kaya naman pinadadami ko ang punla nito sa pamamagitan ng grafting sa aming nursery.

Kung may balak kayong magtanim ng rambutan, inirerekomenda ko ang RX3 variety. Ito ng pinakamagandang variety, ayon sa aking mga karanasan bilang farmer at rambutan grower.

Ano nga bang katangian meron ang RX3  na wala ang iba. Ang RX3 ay may tatlong katangian na pinagsama sama sa isang puno. Ito ay kombinasyon ng Bulala o Karayo ng Bicol (maasim at maliliit), RR ng thailand, at sa Ponderosa Ferreras. 

May kaibahan ito sa ibang variety ng Rambutan. Ang dahon nito ay medyo rounded, hindi nabubulok ang tampok  at hindi tumatabang kahit tumagal ng ilang araw. Namumunga na ang mga ito sa loob lamang ng 3 taon. Sa ika walong taon, ang mga ito ay hitik na hitik na sa bunga. 

Ngayon ay naghaharvest na kami. Huwag lamang sana tayong tatamaan ng malakas na bagyo dito sa Laguna. 

Masarap namnamin ang mga bungang pinagpagalan ng ating katawan at mga kamay. Regalong hindi basta basta nauubos. 

Word of the Week:

The one who plants and the one who waters work together with the same purpose. And both will be rewarded for their own hard work. – 1 Corinthians 3:8

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.