Pagtestigo ni De Lima sa ICC ‘di pakikialaman ng Malakanyang

0
52

MAYNILA. Hindi pipigilan ng Malacañang ang dating Justice Secretary at Senador Leila de Lima kung nanaisin niyang tumestigo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, walang magiging hadlang basta’t ito ay boluntaryong gagawin ni De Lima at may pahintulot mula sa mga taga-usig ng ICC.

“Siguro kung iyan po naman po ay kaniyang boluntaryong gagawin at kung siya naman po ay papayagan sa ICC sa pamuno po ng prosecutors sa ICC, hindi naman po tayo tututol diyan,” pahayag ni Castro sa isang press briefing.

Matagal nang kritiko ni Duterte si De Lima at matibay ang kanyang posisyon sa pagbibigay ng ebidensya laban sa dating pangulo. Iginiit niyang may batayan ito sa batas ng Pilipinas at sa desisyon ng Korte Suprema.

Nakulong si De Lima sa loob ng pitong taon dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, ngunit ibinasura ang lahat ng akusasyon laban sa kanya bago siya tuluyang napalaya noong Nobyembre 2023.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.