Pahayag ni VP Sara, nakababahala ayon sa DOJ

0
316

MAYNILA. Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang banta ni Vice President Sara Duterte na hukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itapon sa West Philippine Sea ay “napaka-nakababahala.”

Ayon kay Remulla, kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang legal na aspeto ng mga pahayag ng bise presidente. “It desecrates the memory of a person. It desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body,” aniya.

Naniniwala si Remulla na may iba pang moral na prinsipyo na maaaring nalabag, kaya’t kasalukuyan nang sinusuri ng DOJ ang mga pahayag ni Duterte. “Iba na yun. Non-compos mentis (of unsound mind) na yung pinangagalingan,” dagdag pa ng kalihim, na nagbigay-diin na ang mga salitang binitiwan ng bise presidente ay hindi nagmula sa isang matino at malinaw na nag-iisip na tao.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.