Paiiralin na sa buong bansa ang utos ni PRRD na pigilan ang mobility ng mga walang bakuna

0
246

Iniutos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga punong barangay na ipatupad sa buong bansa ang paghihigpit sa mobility ng mga hindi nabakunahan habang ang bansa ay nakikipagbuno sa biglaang pagtaas ng mga impeksyon sa coronavirus disease, ayon sa Malacañang noong Biyernes.

Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang utos ni Duterte na “pigilan at bantayan” ang mga hindi pa nababakunahan na ayaw “manatili sa bahay” ay applicable sa lahat ng lugar sa bansa anuman ang alert level status.

“Sa declaration, pronouncement, at direktiba ni Pangulo, it appears na regardless of alert level eh nationwide po yan,” ayon kay Nograles.

Sinabi niya na ang mobility restriction ng mga wala pang bakuna ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan, kalusugan, at kagalingan ng publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo