Palace: Magdudulot ng implikasyon sa ekonomiya ng PH ang Ukraine-Russia conflict

0
480

Inaasahang  magdudulot ng mga implikasyon sa ekonomiya, kalakalan, at human resource sa bansa at sa mamamayang Pilipino ang patuloy na tunggalian sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Malacañang kahapon. 

Sinabi ni Cabinet Secretary acting presidential spokesperson Karlo Nograles na tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga mitigating measures at contingency plan ay ilalagay bilang bahagi ng pro-active response ng gobyerno sa Russia-Ukraine war.

“The Palace joins the country and the entire world in praying for an early and peaceful resolution to the conflict in Ukraine,” ayon kay Nograles sa Laging Handa public briefing.

Binigyang diin ni Nograles ang paninindigan ng Pilipinas, “that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in the areas of conflict.”

Sinabi ni Nograles na nakipagpulong si Duterte sa kanyang mga miyembro ng Gabinete noong Martes ng gabi, kasama ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), at iba pang matataas na opisyal, upang pag-usapan ang mga posibleng senaryo at mga kailangang hakbang kaugnay sa patuloy na labanan ng Russia-Ukraine ay patuloy at lalala.

Inaprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng economic team ng bansa na palakasin ang domestic economy, patatagin ang mga presyo ng pagkain, magbigay ng panlipunang proteksyon, at galugarin ang mga diplomatikong channel para makatulong sa pagresolba sa kaguluhan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.