Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda,Jr. na tatapusin ng kanyang liderato ang palakasan system at ibabalik ang kredibilidad ng mga pulis.
Ayon kay Acorda, hindi niya hahayaang manaig sa ilalim ng kanyang liderato ang palakasan system kaugnay sa promotion ng mga pulis.
Ang promotion ay dapat nakabatay sa merits at abilities ng isang policeman, ayon sa kanya.
Samantala, naniniwala si Acorda na nirerespeto at hindi kinatatakutan ang mga pulis.
Sisikapin nilang pagbutihin pa ang serbisyo ng PNP sa loob ng kanyang pitong buwang panunungkulan bago ang kanyang mandatory retirement. Kahit maikli lamang ang kanyang panunungkulan, sisikapin niyang pag-isahin ang police organization, katuwang ang iba pang mga government agencies, at ang lahat ng mga Pilipino, ayon sa kanya.
Idinagdag ni Acorda, mahalaga ang kredibilidad ng pulis upang tuluyang bumalik ang tiwala ng publiko sa PNP.
Binigyang diin ng PNP chief, mas marami pa ring pulis ang matitino kumpara sa mga bugok.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.