Palasyo: Fake news na non-working holiday ang Agosto 9

0
302

Pinabulaanan ng Malacañang kanina at sinabi na fake news kumakalat na balita na idiniklarang special non-working holiday bilang parangal sa yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Agosto 9.

Kumalat ang maling inpormasyon sa social media noong linggo.

“There’s no announcement or proclamation released by the Office of the President and Executive Secretary declaring August 9, 2022 as a special non-working holiday nationwide in honor of former President Fidel V. Ramos,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa post sa kanynag official Facebook page.

“Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito. Maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita na social media,” dagdag niya.

Nauna dito, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hulyo 31 hanggang Agosto 9, 2022 bilang pambansang araw ng pagluluksa para sa yumaong pangulo.

Inilabas ng Office of the President ang Proclamation No. 33 bilang parangal kay Ramos sa loob ng 10 araw.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo