Palasyo: Peke ang memo sa 2-day salary deduction para sa mga gov’t workers

0
428

Ibinasura ng Malacañang kanina at idineklara bilang “fake news” ang diumano ay memorandum circular sa dalawang araw na bawas sa sweldo sa sahod ng mga manggagawa ng gobyerno upang magtatag ng relief fund para sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria.

“This is not true,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa kanyang mensahe sa mga reporters.

Sinabi ni Garafil na ang Office of the Executive Secretary ay “nakikipag-ugnayan din sa mga awtoridad” upang imbestigahan ang mapanlinlang na memo.

Ang pekeng memo ay ginawa na parang nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The unfortunate earthquake occurred in Turkey on 6th February 2023 has caused significant human and livestock casualties as well as widespread damage to private homes and public infrastructures. Damage to infrastructure has worsened the humanitarian situation. To extend maximum support to Turkish government and people to help them cope with the destruction caused by the earthquake, a fund has been established/opened as ‘President’s Relief Fund Fur Turkey Earthquake Victims’. It is further proposed deduction of salary from government employees. The President considered the proposal and approved the deductions…” ayon sa pekeng memorandum.

Binanggit dito na ang mga officials at officers na nagtatrabaho sa mga ministry, mga dibisyon, mga departamento, mga awtoridad, mga korporasyon, mga kumpanya, mga institusyong pinansyal at mga komisyon na nagtatrabaho sa ilalim ng “federal government” ay makakatanggap ng dalawang araw na kaltas sa sweldo.

Nakasaad din sa mapanlinlang na memo na ang mga opisyal at opisyal ng civil and armed forces, mga officers at officials na may hawak na mga contractual na posisyon gayundin ang mga pakete ng lump sum pay, at ang mga officials at officers na lokal na ni-recruit sa foreign missions  ay magkakaroon din ng dalawang araw na kaltas sa sweldo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.