Palawakin ang home isolation packages: Utos ng Palasyo sa PhilHealth

0
545

Ipinaabot ng Malacañang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin ang Covid-19 Home Isolation Benefit Packages (CHIBP) at isama ang libreng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kasalukuyang saklaw ng PhilHealth ang libreng pagsusuri ngunit sa mga pasyente lamang na may sintomas at kasalukuyang naka-confine sa mga pampubliko o pribadong ospital.

“We’re also pushing PhilHealth to increase the packages for home treatment. Those who are treating themselves at home can also be covered by PhilHealth. The PhilHealth package will also include RT-PCR,” ayon sa kanya sa isang panayam kaninang umaga.

Ang RT-PCR testing ay itinuturing na gold standard upang alamin kung may impeksyon ng  virus na nagdudulot ng Covid-19.

Sa kasalukuyan, ang CHIBP ay available sa mga pasyenteng pumasa sa parehong clinical at social criteria sa surge areas na idineklara ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Kasama sa mga serbisyo sa ilalim ng package ang konsultasyon sa bahay nang hindi bababa sa 10 araw, 24/7 araw-araw na pagsubaybay sa mga pasyente sa pamamagitan ng teleconsultation, at pagbibigay ng home isolation kit na naglalaman ng: 1 litrong 70% alcohol, limang pirasong face mask, 1 thermometer, 1 pulse oximeter , mga gamot gaya ng 18 pirasong Paracetamol, 12 pirasong Lagundi tablet, anim na sachet ng oral rehydration salts, 10 pirasong Ascorbic Acid, 10 pirasong Vitamin D at zinc), at isang consent.

Maaaring i-refer ng mga provider ng CHIBP ang mga pasyente sa mas mataas na antas ng mga pasilidad sakaling makaranas sila malubhang sakit sa panahon ng home isolation. Gayunpaman, kung mamatay ang pasyente sa panahon ng home isolation, ang ospital o pasilidad ay maaari pa ring maghain ng claim.

Noong Nobyembre 4, 2022, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 118, na nag-uutos sa DOH at Department of Trade and Industry na tukuyin at ipatupad ang price range para sa RT-PCR testing.

Sa kasalukuyan, ang limitasyon ng presyo para sa mga pagsusuri sa RT-PCR ay umaabot mula sa humigit-kumulang PHP1,000 hanggang PHP3,000.

Ang umiiral na presyo ng RT-PCR tests ay PHP3,800 para sa mga pampublikong laboratoryo at ospital at PHP4,500 hanggang PHP5,000 sa mga pribadong laboratoryo, kasama ang lahat ng gastos.

Samantala, itinakda ng DOH sa PHP960 ang price cap para sa rapid antigen testing.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.