Palaweña geologist wagi ng scientist award

0
261

Sa katanyagan ng kanyang mga natamong tagumpay sa larangan ng Earth Science Engineering, itinanghal na 2023 Outstanding Young Scientist (OYS) ang Palaweña geologist at propesor na si Dr. Jillian S. Gabo-Ratio.

Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga Pilipinong siyentipiko na may edad na 40 pababa na nagkaroon ng mga kamangha-manghang tagumpay sa larangan ng agham.

Nakamit ni Dr. Gabo-Ratio ang kanyang pagtatapos sa kursong BS Geology sa National Institute of Geological Sciences, kung saan siya rin ay naging topnotcher sa board exam noong 2006. Nagtuloy-tuloy din ang kanyang pag-aaral at nakamit niya ang kanyang master’s degree in Geology sa UP NIGS. Pagkatapos nito, nagpatuloy siya sa kanyang doctoral degree sa Japan noong 2012.

Sa kasalukuyan, si Dr. Gabo-Ratio ay nagtatrabaho bilang Associate Professor at OIC Deputy Director for Academic Affairs sa University of the Philippines National Institute of Geological Science.

Ang pagkilala sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa larangan ng Earth Science Engineering ay patunay ng husay at dedikasyon ni Dr. Gabo-Ratio sa kanyang propesyon. Ipinapakita niya ang halimbawa ng kamalayan at kahusayan sa pag-unlad ng agham sa Pilipinas.

Ang The Outstanding Young Scientist (OYS) Awards ay ibinibigay sa mga batang siyentipikong Pilipino (dapat hindi lalampas ng 41 taong gulang mula Enero hanggang Disyembre sa taon ng parangal) na nagkaroon ng malaking ambag sa siyensya at teknolohiya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.