Palistahan sa mga public schools, sisimulan sa Marso 25

0
341

Magsisimula sa Marso 25 hanggang Abril 30 ang maagang pagpapalista para sa mga mag aaral ng mga pampublikong paaralan para sa School Year 2022-2023, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang pagpapalista para sa iba’t ibang entry-level learners, partikular ang mga papasok sa kindergarten, primary level (Grade 1), junior high school (Grade 7), at senior high school (Grade 11), ay tatakbo mula Marso 25 hanggang Abril 30.

Hinikayat din ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magsagawa ng maagang pagpaparehistro sa nabanggit ding mga petsa.

Ayon sa DepEd, ang maagang pagpapalista para sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral ay maaaring gawin nang harapan sa mga lugar na mababa ang status ng Alert Level, gaya ng nakasaad sa DepEd Memorandum 17, Series of 2002.

“In the context of the prevailing Covid- 19 public health emergency, the conduct of early registration shall be done remotely in areas under Alert Levels 3 to 5. In-person registration through parents or guardians may be allowed in areas under Alert Levels 1 to 2 provided physical distancing and health and safety protocols are strictly observed,” ayon dito.

Samantala, sinabi rin ng DepEd na hindi na kailangan pang sumali sa early registration ang mga mag-aaral sa Grade 2 hanggang 6, 8 hanggang 10, at 12, dahil awtomatiko silang pre-registered.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo