Pamamaril sa perya sa Cavite: 1 patay, 3 sugatan

0
5271

IMUS, Cavite. Patay ang caretaker ng carnival ang at tatlo pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang lalaki sa loob ng isang peryahan sa Barangay Anabu 2, lungsod na ito, kagabi ng madaling araw.

Ayon kay Police Captain Michelle Bastawang, spokeperson ng Cavite Peovincial Police Office, kinilala ang namatay na biktima na si Peter Jerico, 25 anyos na residente ng Barangay San Juan 1, General Trias, Cavite.

Ang mga sugatan naman ay nakilalang sina “Cesar,” 33 anyos ng Barangay Lecheria, Calamba City; “Joselito,” 31 anyos; at “Maryjane,” 27 anyos, pawang mga residente ng Barangay Gugo Proper, Bataan, at mga stay-in worker ng Mini-Carnival.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 12:30 ng madaling araw habang nag-aayos ng kagamitan ang tatlong biktima. Diumano ay biglang pumasok ang suspek sa compound at mabilis na pinagbabaril si Jerico, at nadamay pa ang dalawa nitong kasama.

Pagkatapos ng pamamaril, agad na tumakas ang suspek bitbit ang kanyang baril. Ang mga biktima ay agad dinala sa ospital, ngunit dead on arrival ito, habang nasa estable nang kundisyon sina Maryjane at Joselito.

Sa pagsisiyasat, lumalabas na si Jerico lamang ang target ng gunman. Ayon sa CCTV footage sa lugar, makikita ang suspek na nakasuot ng gray jacket at sakay ng motorsiklo.

Upang mahuli agad ang suspek, isinasagawa ng Cavite PNP ang isang manhunt operation.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.