Pamimigay ng fuel subsidy, sisimulan na Setyembre 15

0
164

Simula ngayong linggong ito, mag-uumpisa na ng pamahalaan sa pamimigay ng fuel subsidy sa mga driver ng  public utility vehicle (PUV) na naapektuhan ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa loob ng nakaraang siyam na linggo.

Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, layunin ng kanilang ahensya na simulan ang pamamahagi ng P3 bilyong pondo para sa fuel subsidy sa mahigit 1.36 milyong driver ng pampasaherong sasakyan sa buong bansa sa mga susunod na dalawang araw.

Nanindigan si Bautista na ang takdang petsa para sa pamimigay ng subsidy ay sa Setyembre 15, araw ng Biyernes, upang masimulan ang distribusyon.

Ang subsidyang ito ay inilaan para sa mga sumusunod: 6,000 operator ng Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ); 150,000 driver at operator ng public utility jeepney (PUJ); 500 operator ng Modernized Utility Vehicle Express (MUVE); 20,000 operator ng utility van express; 930,000 driver at operator ng tricycle; 150,000 rider ng food delivery; at iba pa.

Sa una nang pahayag ng Department of Budget at Management (DBM), inaasahan na tatanggap ng P10,000 bawat isa ang mga driver ng MPUJ at MUVE. Samantalang, tig-P6,500 naman ang matatanggap ng mga tsuper ng tradisyunal na PUJ, UVE, Public Utility Buses (PUB), mini-buses, taxi, Shuttle Services Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), Tourist Transport Services, School Transport Services, at Filcabs.

Hindi rin pinabayaan ang mga driver ng tricycle na makatanggap din ng tig-P1,000, habang ang mga driver ng delivery services ay may subsidy na tig-P1,200.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo