Panatilihin ang mabuting bunga, ang masama ay iitsa sa bintana

0
341

Sa ilalim ng demokrasya ay napakahalaga ang pagtitiwala ng taumbayan sa mga iniluklok na opisyales at kawani ng kanilang pamahalaan. Kung wala ito’y mawawala, aba’y huwag nang umasang may magiging maayos na buhay ang isang demokratikong bansang tulad ng sa atin.

Kung mababaw na iisipin ay sa mismong mga mamamayan nagbubuhat ang kapangyarihang tangan ng mga ito.Tayo ang nagluloklok sa Pangulo hanggang sa mga kagawad ng barangay at sila naman ang nagtatalaga’t namamahala sa iba pang opisyales at mga kawani. Samakatuwid ay anino at salamin lamang ng bawat isang Pilipino ang nasa pampublikong paglilingkuran. Wika ng ni oseph de Maistre, “we get the government we deserve.”

Tayo mismo ang unang dapat sisihin kung naging palpak ang mga nakaupong katawan at tinig sa gobyerno. Ika nga’y inaani lang natin ang naging bunga ating pinili at pinahinog ng walang kalburo.

Subalit huwag madismaya at huwag mawalang ng pag asa. Sa halos 2 milyong lingkod bayan ay baka kakapiranggot ang lubusang  nagtataksil sa ating naipagkaloob na pagtitiwala. Dangan nga lang ay nasa sensitibo at matataas na posisyon ang karamihan sa mga ito!

Napakahalaga ang parating na national and local elections sa Mayo 9. Dito muling mamimitas ng mga bagong bunga na sa paniniwala natin ay mahihinog ng maganda at magbibigay ng sustansya. Sa araw ring ito, muli tayong pipili ng mga bagong pahinuging bunga at mag iitsa sa bintana ng mga bulok at inaamag na napili noong nakaraang mga halalan. 

Sa Mayo 9, 2022, pananatiliin ang may pinakikinabangan at ang masasamang bunga ay itatapon at iwawaksi.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.