Panay-Guimaras-Negros Bridge, itatayo na

0
554

Inihudyat na ang pagtatayo ng matagal ng hinihintay na Panay-Guimaras-Negros Bridge, ang posibleng pinakamahabang inter island bridge project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanlurang Visayas.

Ayon sa DPWH, ang Republic of Korea ay nakahandang magbigay ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng engineering services ng nabanggit na tulay.

Ang ginanap na signing ceremony ay dinaluhan nina Deputy Director Soohhyung Han and Ana Labella of KEXIM Bank, at Project Director Benjamin A. Bautista ng  DPWH UPMO Roads Management Cluster 1 (Bilateral). 

Ang binabalak na tulay sa Region 6 ay magdudugtong sa Panay Island, Guimaras Island at Negros Island. Ito ang inaasahang magiging pinaka mabilis na daan ng kalakalan at turismo patungong Iloilo, Guimaras at Bacolod.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.