Pangulo ng ALSWDOPI-Laguna Chapter, nanumpa sa katungkulan

0
193

STA. CRUZ, Laguna. Nanumpa sa tungkulin sa isang seremonya ang bagong halal na pangulo ng ALSWDOPI o Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc.-Laguna Chapter, na ginanap sa panlalawigang kapitolyo noong ika-19 ng Pebrero 2024 sa pamumuno ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez.

Si Aileneth C. Desiderio ng MSWDO-PILA ang itinalagang pangulo na mamumuno sa 24 na bayan at 6 na lungsod sa lalawigan. Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, nagbigay si Hernandez ng mga kagamitan kabilang ang laptop, camera, hard drive, at iba pang kasangkapan na makakatulong sa kanilang programa kontra Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Ang programa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng lalawigan, bilang pagsunod sa Republic Act No. 11930 o mas kilala sa “Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC)” at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.