Pangulong Marcos bumuo ng task force upang tugunan ang oil spill sa Bataan

0
126

MAYNILA. Nagtayo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang inter-agency task force upang agarang harapin ang posibleng epekto ng oil spill mula sa Motor Tanker Terra Nova na lumubog sa baybayin ng Limay, Bataan, noong Huwebes habang umuulan ng malakas dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Ang bagong task force ay pangungunahan ng Office of the Civil Defense (OCD) na makikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Interior and Local Government (DILG). Kasama rin sa task force ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inatasan ng Pangulo ang DENR na makipagtulungan sa DOH upang magsagawa ng pagsusuri sa kalidad ng tubig at hangin sa mga apektadong lugar. “Dapat aniyang masuri ng DOH ang kalusugan ng mga residente doon na apektado ng oil spill,” ani ng Pangulo.

Pinag-utos din ng Pangulo ang DOLE na magpatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga naapektuhang residente, habang ang DSWD ay inaasahang magbibigay ng tulong sa mga biktima. “Kinakailangan ding makipagtulungan sa mga non-government organizations upang matugunan ang problema at sa local government units,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang Motor Tanker Terra Nova ay lumubog malapit sa Liway, Bataan, kung saan pinangangambahan nilang maaaring tumapon ang 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa katubigan. Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, “Mayroong malaking panganib ang oil spill dahil malapit lang ito sa Manila Bay.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo