Pangulong Marcos hindi magbibitiw, Sandro Marcos bumuwelta sa paninira ng tiyahin

0
324

MAYNILA — Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya magbibitiw sa kabila ng panawagan ng ilang grupong kaalyado ni Vice President Sara Duterte na bumaba siya sa puwesto.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi opsyon ng administrasyon ang pagbibitiw ng Pangulo dahil patuloy siyang nagtatrabaho para sa bansa. “The President is still working and keeps on working for the country. So it is not an option for the administration, for the President to resign,” dagdag pa ni Castro. Ani Castro, hindi rin bibigyan ng pagkakataon na pumalit ang Bise Presidente sa Pangulo sa pamamagitan ng mga kilos protesta o pagtatangka ng mga destabilizer na pabagsakin ang gobyerno.

Kaugnay nito, mariing bumuwelta si House Majority Leader Sandro Marcos sa umano’y paninira laban sa kanilang pamilya ng kaniyang tiya na si Sen. Imee Marcos matapos itong akusahan na gumagamit ng droga ang kanilang magulang na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza.

Sinabi ni Sandro na walang basehan at kasinungalingan lamang ang mga pahayag ng kaniyang tiya, na aniya ay bahagi ng pagtatangkang destabilisahin ang administrasyon upang isulong ang sariling ambisyon pampulitika. “It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions,” ayon kay Sandro.

Dagdag pa niya, ang kaniyang mga pinsan na sina Borgy, Ilocos Norte Vice Gov. Matthew Marcos Manotoc at Atty. Michael Marcos Keon ay kayang patunayan na walang katotohanan ang sinasabi ni Imee. “Nakakalungkot makita na ginagawa niya ito. For her to betray her own family brings a lot of pain to me as a consequence of my respect to her for giving me my start in public life,” ani Sandro.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.