Pangulong Marcos kay Duterte: Ipaliwanag ang ‘secret deal’ sa China

0
171

MAYNILA. Matapos ang mga pahayag at pag-amin ng Tsina hinggil sa isang kasunduan sa West Philippine Sea (WPS), nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na ibunyag sa sambayanan ang detalye ng “sekretong deal” na ipinasok ng kanyang administrasyon sa Tsina.

Dahil sa kumpirmasyon mula sa embahada ng Tsina sa Maynila na pumayag si Duterte na i-regulate ang aktibidad ng Pilipinas sa WPS, nagpahayag si Pangulong Marcos ng kanyang saloobin.

Naniniwala ang Pangulo na “sikreto ang naturang agreement sa pagitan ng administrasyong Duterte at China dahil hindi ito naisulat at inilihim sa mga Filipino.”

Ipinunto niya na mahalaga na malaman ng sambayanan ang mga kasunduan ng gobyerno, lalo na kung ito ay may kinalaman sa soberanya ng bansa.

Sa pahayag pa ni Pangulong Marcos, “I disagree with that idea that you enter into a secret agreement. You have any agreement with another sovereign state should really be known by the people so that way you’re accountable. If it’s a bad decision, you’re accountable.”

Matatandaang unang inamin ni Duterte na nagkaroon sila ng kasunduan ni Chinese Presidente Xi Jinping na magkaroon ng status quo sa WPS. Ito ay nauwi sa hindi pagdadala ng construction materials para sa repair ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa huli, nananawagan si Pangulong Marcos na ang dating pangulo ay magpaliwanag sa publiko hinggil sa mga kasunduang ito at ang posibleng epekto nito sa kinabukasan ng bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.