Pangulong Marcos: May mga masisibak sa pagpapatakas kay Alice Guo!

0
142

MAYNILA. Mariing tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na masisibak sa puwesto ang lahat ng may kinalaman sa paglabas sa bansa ni Alice Guo, ang sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac.

“The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust. Let me be clear: Heads will roll,” pahayag ni Marcos, na nagsasabing walang tatakas sa responsibilidad.

Ayon sa Pangulo, ilalantad ang mga salarin na nagtaksil sa tiwala ng bayan at tumulong kay Guo sa kanyang pagtakas. Aniya, isang malawakang imbestigasyon ang kasalukuyang isinasagawa upang masigurong mananagot ang mga responsable sa ilalim ng batas.

“We will expose the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight. A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law,” dagdag pa ni Marcos, na binigyang-diin ang kahalagahan ng tiwala at integridad sa pamahalaan.

Idinagdag ng Pangulo na walang puwang sa gobyerno ang sinumang inuuna ang pansariling interes kaysa sa paglingkod ng may dangal, integridad, at katarungan para sa sambayanang Pilipino.

Nauna rito, iniutos ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang kanselasyon ng Philippine passport ni Guo matapos isiwalat ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa si Guo noong Hulyo 18 patungong Kuala Lumpur, Malaysia, at ngayo’y nasa Indonesia na.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo