Pangulong Marcos nababahala sa ‘sikretong kasunduan’ sa West Philippine Sea

0
152

MAYNILA. Nagpahayag ng pangamba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa diumano ay ‘gentleman’s agreement’ na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay ng isyu sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

“I am horrified by the idea that we have compromised into a secret agreement the territory, the sovereign rights of the Filipino,’ pahayag ng Pangulo.

Sa isang ambush interview kay Marcos, ipinahayag niya na lumalabas sa naturang kasunduan na kailangan pa nilang humingi ng pahintulot mula sa ibang bansa para makagalaw sa sariling teritoryo, na nagpapahirap sa situwasyon.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, mahalaga na malinaw ang mga isyu na ito, kaya’t naghihintay siya ng pagbabalik ng Chinese Ambassador Huang Xillian mula sa Beijing upang katanunganin kung sino ang kanyang kausap, ang nilalaman ng kanilang usapan, at ang kanilang kasunduan ng dating administrasyon.

Itatanong din ng Pangulo si Huang kung ang kasunduang ito ay opisyal o personal lamang, at bakit ito isinagawa sa lihim, lalo na at walang opisyal na talaan ang gobyerno patungkol dito.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na hindi na niya kinausap si dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito dahil nauna nang hinikayat ng administrasyon ang mga dating opisyal nito na magpaliwanag tungkol sa umano’y sekretong kasunduan para sa kanilang kaalaman.

Subalit hanggang sa ngayon, hindi pa rin umano nagbibigay ng tuwirang sagot ang mga dating opisyal ni Duterte.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.