PAOCC magsasampa ng malaki at non-bailable na kaso laban kay Gou

0
138

MAYNILA. Maghahain ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng seryoso at non-bailable na mga kaso laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston John Casio, nakatakda silang magpulong sa Martes, Hunyo 18, upang pag-usapan ang mga kasong isasampa laban kay Guo. “So, we can expect the charges, criminal charges would be filed against a good number of people on Friday with regards to the Bamban operation,” pahayag ni Casio nang tanungin kung anong kaso ang maaaring ihain laban kay Guo.

Sinabi ni Casio na masigasig ang PAOCC na maghain ng mga kaso sa Department of Justice (DOJ) at tiniyak na may malakas na ebidensya laban kay Guo. Ang pangalan at pirma ni Guo ay lumutang sa maraming dokumento na sinuri ng PAOCC.

Bukod dito, tinitingnan din ng PAOCC ang posibleng koneksyon sa pagitan ng mga ilegal na aktibidad ng Philippine Online Gaming Operators (POGO) sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Ayon kay Casio, nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa operasyon sa Porac.

“An inventory is set to be concluded on Saturday, which means that looking into the pieces of evidence will follow,” ani Casio. Sinabi rin niya na may mga kaukulang hakbang na isasagawa matapos suriing mabuti ang mga piraso ng ebidensya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo